Grabe ang first day of school namin! Ang saya talaga! Sobraaa! Yung teachers namin ang babait at kakatuwa pa. May mga new found friends kami at ang saya nilang kasama. At may pogi akong classmate! Excited na ako bukas!!! pero syempre joke lng lahat yun. Hahahaha
Maaga pa akong pumunta ng school, 7am ang class ko at kukuha pa ako ng rf. Pagdating ko, daming tao sa labas ng building namin (bakit kasi ngayon lng nirelease yung rf eh?) nakita ko ang mga classmates ko (classmates ko ng highschool at classmates ko parin ngayon) at tumambay lang kami dun, close pa pala ang office. Then, nainip kami kaya pumunta kami sa room ng first class namin. May mga tao na dun, pero ewan may mga sariling mundo kaming lahat eh. Hahaha. Dumating na din yung ibang mga classmate siguro namin pero wala pa rin kaming pansinan lahat (maliban sa friends ko) Hahaha. Ang awkward nga dun eh. Haha. Dapat hanggang 12noon kami dun, pero wala namang pumasok na teacher eh, kaya nag early lunch kmi.
After lunch, Bio Lab ang next subject namin, kaya pinuntahan namin yung room. LOOOL! under construction pa pala! Hahahaha. Sabi namin, this is a sign na dapat umuwi na tayo! Haha. Pumunta nalang kami ng SM at nag Timezone buong maghapon. Mga 2:30 umuwi na din kami.
Ohh dba? unforgettable ang first day of class T_T Hahahaha. Sana maging masaya na talaga bukas!!!
« »
